Una, siguraduhing may maayos na impression ka na ng ngipin. para meron kang pagbubuhusan ng dental stone mo. Ugali natin to eh. Kahit hindi pa ayos ang foundation, nagpopour agad tayo. Nafafall agad tayo. Pangalawa, magmix ka na ng dental stone. Dapat tama lang yung water:powder ratio. hindi kulang, Hindi sobra. Para di ka nasasaktan kung di nya kayang ibalik yung sobra sobrang pagmamahal mo.. At di sya naghahanap ng iba kung kulang na kulang naman ang pang pagpapahalaga mo. Pangatlo, ipour na ang mixture tsaka itaktak Upang mawala yung mga bubbles. Alug-alugin nang matauhanan! Minsan kasi, nagpapakatanga ka lang at umaasa sa taong di ka naman pahahalagahan! Pang apat, Maghintay. Matagal magset. matutong maghintay. Wag mong minamadali kasi baka hindi pa eto yung perfect moment or perfect timing. Dadating din tayo dyan basta wag kang magmadali, di kasi dapat minamadali when it comes to love. Pang lima, iseperate ang impression sa cast. paghiwalayin sila, Wag kang umasa bh3, walang forever.. Maghihiwalay din kayo sa dulo.
Linggo, Pebrero 28, 2016
C2's guide kung paano mag moveon (Mahinahon edition)
Important: Read the following slowly and mahinahon-ly. Everything written here ay walang balot ng hinanakit at ka-bitter-an. Purong pagmamahal lamang.
1. Acceptance. If tapos ka nang maging bitterella at alam mo sa sarili mo you are doing this for yourself.. Acceptance would be the best. It would take lots of time i guess. Okay lang. Take your time. Pag di mo pa kaya.. Follow the bitterella edition muna.
Sa acceptance kasi, dun mo tatanggapin yung situation.. Yung totoo. Oo mahal mo sya. Pero.. Hindi kasi fairytale yung buhay na princess ka.. Sya prince charming mo. Hindi porket mahal mo sya.. Automatic na ganun din sya sayo. Tanggapin mo na.. Yun lang kaya nyang ioffer ngayon... Friendship.
2. Change the way you see yourself. Isipin mo na you are doing this for good. Hindi yung kind ng bitter tulad nung mga sinabi ko last time. For good kasi you just want to be better kasi alam mo sa sarili mo na you are not just some guy/girl na naghahabol sa kanya.. Na nagpapakatanga kakahintay sa kanya.. You are more than that! Special ka and dont just settle na hanggan ganun ka nalang.
3. Love Again. Lift your chin up kasi this time, magpapaka-mature ka na. Na babaguhin mo priorities mo.. Kasi this time.. You should be shifting the love mo para sa kanya to yourself. #LoveYourself. I suggest na wag ka munang lumandi.. Or magentertain ng other guys/girls. Take the moment to reflect and mas mahalin mo yung sarili mo... Sayo muna. Kasi deserve mo ng pagmamahal... Wag mo hingin yun mula sa iba.
4. Write a letter. For that someone na gusto mong pag move-on-an.. Hindi mo naman ibibigay yun sa kanya.. Just. Ang importante kasi masabi mo yung mga saloobin mo. Isulat mo kung gaano mo parin sya kamahal... Kung gaano mo sya kinaiinisan.. Yung mga bagay na kinakasaya mo na involved sya.. At yung mga bagay na ginagawa nya na nagpapalungkot sayo.. And yung reasons bakit magmomoveon ka na sa kanya. Mag thank you ka sa mga magagandang nagawa nya for you.. Sa mga ala-ala.. Magsorry ka din sa mga bagay na hindi mo dapat ginawa. Lahat... Ilabas mo lang, Let go and never leave something unsaid (in this case, unwritten)
5. Look at his/her picture. Ang funny no. Nainlove ka sa taong yun despite his imperfections. Well. Ganun buhay eh.. Pero ang magical nung feeling no? Imagine na sometime in the future.. Someone out there... Titignan din yung picture mo na punong puno ng pagmamahal. Na kahit na andami mong flaws... Mahal at pinahahalagahan ka nung taong yun. .ang sayang isipin no? Ngayon...ask yourself.. Paano mo mahahanap yung taong yun if patuloy mong ikukulong yung sarili mo sa kasawian mo ngayon?
6. Everytime na makikita mo sya.. Sa picture man or sa personal.. Wag mong isipin na "Makakamove-on ako sa kanya" or "Nag-momoveon na ako sa kanya". Wag mo na din laitin, wag mo na ding sabihin na "malaki akong kawalan sa kanya". Wag mo na ulitin yung mga ganun. Alam na namin yun.
Instead, eto isipin mo: "Uy! Minahal ko yun.. NOON. Pero narealize ko na hindi ako tanga para pigilan sarili kong maging masaya.. Kaya ginagawa ko na yung tingin kong tama." Sabay ngiti. Walang halong ka-bitter-an. Remember... Nag resign ka na sa pagiging bitterella.
7. Dapat ba syang iwasan or hindi? Hmm.. Not sure. Pero kung ako... Maglalagay lang ako muna ako ng little space between the two of us.. Kaylangan ko kasi gawin lahat nung mga namention sa taas and i cant do it if andyan sya lagi. Space space space pero hindi to the point na tinataguan mo sya everytime. Remember, friends padin naman kayo... Sadyang this time.. Ginagawan mo lang ng favor ang sarili mo.
8. Explain if you must. Baka kasi iapproach ka nya and ask you what's wrong. (if he/she values your friendship at di sya sanay na naglalagay ka na ng space between the two of you) Just be honest. Sabihin mo kasi na you are doing this for the purpose of moving on kasi you want to be happy.
9. Maybe there would come a time na bigla nalang namimiss mo sya and maiisip mo na hindi nagwowork kasi inabot na ng buwan.. Di ka padin makamoveon. Mahirap controlin yung ganyan. Namimiss mo eh. Di kita pipigilan kung ano trip mong gawin. Pero Suggestion ko,. Try to do all steps again. Nawawala ka lang siguro and parang retreat, you need to be redirected. Okay lang yan.. Normal lang yan.
10. Time. Matagal yung proseso. Pero i guess if nainternalize mo talaga.. Naaccept mo ngbuong puso, naexpress mo yung mga nararamdaman mo.., etc. mas madali nalang. Okay lang if paulit ulit ka na.. Wag mo ipressure sarili mo. Just.. Give yourself time, makakamoveon ka din
C2's guide kung paano mag moveon (Bitterella edition)
1. Isipin mo muna kung dapat mo na itigil to. Sobrang sakit na ba? Mas maraming beses ka na bang nasasaktan kaysa sa mga beses na masaya? Nagpapakatanga ka na ba? Kung sayo na mismo nanggaling yan. Confirm teh! Magmoveon ka na. Kasi mahiram umamin sa sarili na tanga ka nga.
2. Mindsetting. Walang kayo. Either best friend. Friend. Aquaintance. Classmate. O stranger LANG turing nya sayo. masakit. I know. Pero unahan mo na mga mangyayari. Mas okay nang mas maaga mo na matanggap dahil mahirap umasa! Palitan mo pangalan nya from Crush/Baby to "Bestfriend" or kung anu man ang status nyo.
3. Umiyak. Okay lang yan. I-iyak mo nalang. Ilabas mo lang yung sakit. Kung ayaw... I-utot mo na dn. para at least diba, naishare mo din sa iba (maygad. Kadiri). Pero seryoso. Talk to your bestfriends and ilabas mo yung sakit.
4. Magpakabitter. Minsan kasi... Dyan nailalabas yung natitirang hinanahit. Dumadami lalo yung hugot at ganun din ang mga followers na nakakarelate sa mga pinopost mo. Basta i-hide mo nalang yung posts dun sa guy para naman di nya sabihing ang OA mo.
5. Isipin mo yung magagandang idudulot ng desisyon mo. Makakpagfocus ka sa sarili mo..Sa studies mo.. Plus.. You are opening doors para dun sa taong nilaan ni Lord para sayo. (Keysa nagpapakatanga ka lang sa kanya)
6. Magpakabusy ka. Maraming mas gwapo sa paligid... Kung di mo makita.. Tignan ang phone. Buksan ang wattpad. Andaming ubod ng gwapo dun :3 hahhaha. Read books, novels, do some hobbies para di mo lagi naiisip feelings mo para sa kanya.
7. Laitin sya. (Sa isip mo lang ha). I know na sya yung pinakagwapong pinakamabait na prince charming mo. Pero frog na sya! Parang si prince naveen. Frog prince. Ilista mo yung mga flaws nya at yung reasons bakit hindi sya deserving ng pagmamahal mo.
8. Flip your hair. Maganda ka. Tanga sya kasi di nya nakikita yung kagandahan mo both inside and out. Kung feeling mo hindi ka maganda... Lapitan mo yung mga taong nakikita yung kagandahan mo. Yung mga Friends mo. Socialize para hndi sya lagi naiisip mo.
9. Kung feeling mo padin hindi ka maganda. Make yourself better. Not for him.. Pero para sa sarili mo. Durog na durog yung puso mo... Ayun muna unahin mo. Ika nga... love yourself.
10. Be happy. Sus. Lalake lang yan! Okay lang maging single beh. Marami tayo. Basta importante. Sumaya ka and ganun din mga taong nakapaligin sayo. Malay mo. Sa pagiging masayahin mo pala. Di mo alam... Nafafall na pala yung #theRightOne para sayo.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)